^

PM Sports

Magnolia may misyon para sa No. 2 spot

Russell Cadayona - Pang-masa
Magnolia may misyon para sa No. 2 spot
Sinagupa ni Magnolia forward Calvin Abueva sina Cliff Hodge at Chris Banchero ng Meralco.

MANILA, Philippines — Walang dapat gawin ang Magnolia kundi talunin ang Rain or Shine sa Biyernes para opisyal nang ang­kinin ang No. 2 seat taglay ang ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals ng 2022 PBA Commissioner’s Cup.

Ngunit kung mata­talo ang Hotshots sa Elasto Painters kasabay ng pananaig ng Ginebra Gin Kings sa Converge FiberXers bukas ay mawawala sa kanila ang posisyon.

“We’ve got two games, we’ve handled Game One today and on Friday if we handled that the same way we did today then we get a bit of an advantage for the quarterfinals,” ani assistant coach Jason Webb matapos ang 108-96 paggiba ng Magnolia sa Meralco noong Linggo.

Napasakamay ng guest team na Bay Area ang No. 1 spot mula sa kanilang 10-2 marka kasunod ang Magnolia (9-2), Ginebra (8-3), Converge (8-3), San Miguel (6-5), NorthPort (6-6), Phoenix (6-6), Rain or Shine (5-6), Meralco (4-6), NLEX (4-7), TNT Tropang Giga (4-8), Blackwater (3-9) at Terrafirma (1-11).

Kung magtatapos sa parehong 9-3 record ang Hotshots at Gin Kings ay maaagaw ng Ginebra ang No. 2 berth dahil sa winner-over-the-other rule mula sa kanilang 103-97 panalo sa Magnolia sa ‘Manila Clasico’ noong Oktubre 23.

“We are just happy that we still have something to fight for, and hopefully come out with a win,” ani Gin Kings’ coach Tim Cone matapos ang kanilang 122-105 paggupo sa Batang Pier.  

RAIN OR SHINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with