^

PM Sports

Brown humataw sa Celtics

Pang-masa
Brown humataw sa Celtics
Umere si Celtics’ guard Jaylen Brown para sa kanyang slam dunk laban sa dalawang Wizards defenders.

BOSTON — Humataw si Jaylen Brown ng season-high na 36 points para banderahan ang Celtics sa 130-121 paggupo sa Washington Wizards bagama’t hindi naglaro si injured Jayson Tatum.

Nagdagdag si Malcolm Brogdon ng 17 points kasunod ang 15 markers ni Derrick White para sa ikatlong sunod na ratsada ng Boston (16-4) at ika-12 sa huli nilang 13 laro.

Umiskor naman si Bradley Beal ng 30 points at may 21 markers si Kristaps Porzingis sa pangatlong dikit na kabiguan ng Washington (10-10).

Hindi naglaro si Tatum dahil sa kanyang sprained left ankle na hindi nakaapekto sa laro ng Celtics na nagposte ng 17-point halftime lead patungo sa pagtatala ng 26-point advantage sa third quarter.

Mula rito ay hindi na nakabangon ang Wizards.

Sa Atlanta, kumamada si Bam Adebayo ng 32 points sa 106-98 pagpapabagsak ng Miami Heat (10-11) sa Hawks (11-9).

Sa Detroit, tumipa si Donovan Mitchell ng 32 points at nagdagdag si Evan Mobley ng 20 markers sa 102-94 pananaig ng Cleveland Cavaliers (13-7) sa Pistons (5-17).

Sa Los Angeles, kumolekta si Ivica Zubac ng 31 points at 29 rebounds sa 114-100 paglunod ng Clippers (12-9) sa Indiana Pacers (11-8).

Sa Milwaukee, nagsalpak si Giannis Antetokounmpo ng 30 points sa 124-115 tagumpay ng Bucks (14-5) sa Dallas Mavericks (9-10).

 

JAYLEN BROWN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with