^

PM Sports

Lastimosa may offer sa Japan B.League

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi pa man natatapos ang UAAP Season 85, ilang teams na sa Japan B.League ang nagnanais makuha ang serbisyo ni Jerom Lastimosa ng A­damson University.

Kinumpirma ito ng isang agent kung saan may mga naglalatag na ng offer para masiguro ang 5-foot-10 miyembro ng Soaring Falcons.

Tumataginting na $7,000 o halos P400,000 kada buwan ang inisyal na offer.

Ngunit posibleng uma­ngat pa ito sa $20,000 kada  buwan o mahigit P1.1 milyon depende sa magi­ging desisyon ng team management.

Wala pang pormal na offer na inilalabas dahil ongoing pa ang season ng UAAP.

Inaasahang muli itong magsusulputan sa oras na matapos na ang kampanya ng Adamson sa UAAP.

Napukaw ni Lastimosa ang atensiyon ng mga Japan B.League teams matapos ang impresibong inilalaro nito sa UAAP.

Hindi naman na nagtaka pa si Soaring Falcons head coach Nash Racela sa mga posibilidad na tumuntong na ang kanyang key player sa pro.

Aminado si Racela sa talentong taglay ni Lastimosa.

Wala rin itong balak pigilan ang kanyang player sa oras na magdesisyon itong maglaro sa professional league dahil haha­yaan nito si Lastimosa na magpasya.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with