^

PM Sports

Importante ang bawat laro sa PVL semis

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lumakas ang tsansa ng Creamline at Cignal para sa dalawang slots sa finals sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference.

Inilabas ng Cool Smashers at HD Spikers ang kanilang buong lakas para mabilis na pataubin ang kani-kanilang karibal noong Huwebes.

Pinataob ng Cool Smashers ang defending champion na Petro Gazzm 25-21, 25-20, 25-23, habang nanaig ang HD Spikers sa Chery Tiggo, 28-26, 25-17, 25-23.

Kapwa may 1-0 rekord ang Cool Smashers at HD Spikers, samantalang bumagsak sa 0-1 marka ang Gazz Angels at Crossovers na kinakailangang maipanalo ang kanilang susunod na laro para manatiling buhay ang pag-asa.

Inaasahang ibubuhos na ng Creamline at Cignal ang kanilang buong lakas sa ikalawang araw ng semifinal round bukas sa Smart Araneta Coliseum.

Maghaharap ang Cool Smashers at HD Spikers sa alas-2:30 ng hapon at magtutuos ang Crossovers at Gazz Angels sa alas-5:30 ng hapon.

“Bawat game talaga importante kaya we’re happy na nakuha namin iyong pa­nalo sa Petro Gazz in three sets kasi malaking tulong iyong sa point system if ever magkaroon ng tie,” wika ni Cool Smashers’ coach Sherwin Meneses.

Importante ang bawat laro sa semis dahil ang dalawang mangungunang kopo­nan matapos ang round robin ang papasok sa best-of-three championship series.

Mauuwi naman sa battle-for-bronze ang No. 3 at No. 4 teams.

“One game at a time. Our focus right now is Cignal,” ani Meneses.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with