^

PM Sports

Alaala ng Gilas sa Philippine Arena

BALL FACTOR - Carmela Villena - Pang-masa

Maglalaro uli ang Gilas Pilipinas sa Philippine Arena para sa sixth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers sa February 2023.

‘Di maiwasan magbalik sa alaala ang isa sa hindi malilimutang rambulan sa kasaysayan ng basketball.

July 2, 2018, kalaban ang Australia, nagpang-abot si RR Pogoy at Australianong si Chris Goulding na na­ging mitsa ng matinding free-for-all, suntukan, sipaan, batuhan, 13 ejections (9 sa Gilas, 4 sa Aussies) pinakamabigat kay Calvin Abueva na nasuspindi ng 6-games.

Naalala ko lang naman lahat dahil sa nakaraang eksenang ginawa ni John Amores ng Jose Rizal sa kanilang laban kontra sa St. Benilde.

Mas matindi nga lang etong huli dahil one-man show lang ito ni Amores, ‘di tulad ng Gilas vs Australia bench-clearing incident na pati mga crowd nakisalo sa pamamagitan ng pambabato ng mga bote ng mineral water.

Buti na lang wala ang Australia sa line-up ng makakalaban ng Gilas. Lebanon ang haharapin nila sa Feb. 24, 2023 at Jordan sa Feb. 27.

Hopefully, wala nang eksena sa pagkakataong ito. Masyado na tayong sumikat sa unang pangyayari. Huwag na sanang masundan. Sayang naman yung magandang momentum natin coming from wins over Jordan at  Saudi Arabia sa nakaraang fifth window para umangat sa 5-3 win-loss record.

vuukle comment

PHILIPPINE ARENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with