^

PM Sports

Mendoza iginiya ang TNT sa Leg 1 title ng PBA 3x3

Rusell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinasok ni big man Gryann Mendoza ang isang game winner para ihatid ang TNT Tropang Giga sa 17-15 pagtakas sa Platinum Karaoke sa finals at pagharian ang Leg 1 ng PBA 3x3 Season 2 Second Conference kahapon sa Robinsons Place Antipolo.

Ibinulsa nina Mendoza,  Almond Vosotros, Ping Exciminiano at Lervin Flores ng Tropang Giga ang premyong P100,000 matapos magkampeon sa First Conference Grand Finals kamakailan.

Ang Platinum din ang kanilang tinalo para sa nasabing korona.

Nakuntento ang Platinum sa P50,000.

Tinalo naman ng Ba­rangay Ginebra ang Cavitex, 21-13, sa agawan sa third place para kunin ang P30,000.

TNT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with