^

PM Sports

UP nakatutok sa win No. 3 vs FEU

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang ikatlong panalo ang susubukang masikwat ng University of the Philippines sa pagharap sa Far Eastern Universi­ty sa UAAP Season 85 men’s basketball tournament sa Smart Araneta Co­liseum.

Magkukrus ang landas ng Fighting Maroons at Tamaraws ngayong alas-4 ng hapon, habang ma­sisilayan ang engkuwentro ng UE Red Warriors at Adamson Soaring Falcons sa alas-2.

May 2-0 record ang UP kasos­yo ang Ateneo Blue Eagles.

Sa kanilag huling laro ay naitakas ng Fighting Maroons ang 87-78 overtime win kontra sa Soa­ring Falcons.

Wala si JD Cagula­ngan sa lineup na nagpa­pa­galing pa sa injury.

Subalit malalim ang bench ng UP kaya’t na­ga­gawa pa rin nilang ma­­kahataw sa likod ni Ter­rence Fortea.

“Terrence really pic­king up naman since before na mag-start. Last season was a big adjustment for him kasi for that position,” sabi ni Fighting Maroons coach Goldwin Monteverde.

Hahataw rin para sa UP si Gilas Pilipinas standout Carl Tamayo ka­sama sina Zavier Lucero at Malick Diouf.

Sa kabilang banda ay hangad naman ng Tamaraws na makasampa sa win column.

Lumasap ang FEU ng dalawang sunod na ka­biguan kasama ang masaklap na 66-76 pagyuko sa UE noong Miyerkules.

Kaya naman inaasa­hang ilalabas ng Tamaraws ang lahat ng su­ngay upang masikwat ang kanilang unang panalo.

Kakayod para sa FEU sina Patrick Sleat, Cholo Añonuevo at LJ Gonzales.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with