^

PM Sports

Bolts, Dyip sasampa sa win column

Russell Cadayona - Pang-masa
Bolts, Dyip sasampa sa win column
Si import Johnny O’Bryant III ang mu­ling aasahan ng Meralco laban sa Terrafirma.
PBA Image

MANILA, Philippines — Parehong naghahanap ng kanilang unang panalo ang Meralco at Terrafirma sa 2022 PBA Commissioner’s Cup.

Mag-uunahan ang Bolts at Dyip sa pagpasok sa win column sa kanilang banggaan ngayong alas-3 ng hapon kasunod ang salpukan ng guest team na Bay Area Dragons at Converge FiberXers sa alas-5:45 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

May 0-2 baraha ang Meralco, habang 0-3 ang kartada ng Terrafirma na nasa 19-game losing slump sapul noong 2021 PBA Governor’s Cup.

Nakatikim ang Bolts ng 95-101 overtime loss sa NorthPort Batang Pier at 91-99 kabiguan sa Ginebra Gin Kings.

“It’s an important game because just like them we need to enter the win-co­lumn,” ani Meralco coach Norman Black.

Muling aasa ang Bolts kay Johnny O’Bryant III na humataw ng mga ave­rages na 30.5 points, 19.0 rebounds at 4.5 assists katapat si balik-import Lester Prosper ng Dyip.

Hangad naman ng Dragons (3-0) na masolo ang liderato sa pagsagupa sa FiberXers (1-1).

Nagmula ang Bay Area sa 101-91 paggiba sa Phoenix (0-3), habang nakalasap ang Converge ng 105-109 pagkatalo sa Magnolia (3-0). 

Samantala, pinagmulta si TNT Tropang Giga coach Chot Reyes ng P50,000, habang P20,000 kay team manager Jojo Lastimosa.

Ito ay dahil sa pagsugod at pagkompronta ni Reyes sa mga league officials matapos ang 92-94 pagkatalo ng Tropang Giga sa Magnolia Hotshots sa 2022 PBA Commissioner’s Cup noong Miyerkules.

Nakatakas si Reyes sa suspensyon.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with