^

PM Sports

Gilas tuluy-tuloy ang pagsasanay

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy ang preparasyon ng Gilas Pilipinas para sa fifth window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa kanilang ensayo tuwing Lunes sa Meralco Gym sa Pasig City.

Kabuuang 16 players ang dumalo sa training ng Gilas sa gabay ni head coach at program director Chot Reyes kasama si assistant coach Tim Cone lagpas isang buwan bago labanang muli ang Saudi Arabia at Jordan.

Bida rito ang mga core players ng Barangay Ginebra, San Miguel at TNT Tropang Giga sa pangunguna nina six-time MVP June Mar Fajardo at reigning MVP Scottie Thompson na siyang bababandera sa Gilas matapos makakuha ng basbas mula sa PBA.

Walang magiging laro ang tatlong powerhouse teams sa PBA sa unang dalawang linggo ng Nobyembre para maging available sa pinal na paghahanda ng Gilas sa pagsagupa sa Jordan at Saudi Arabia sa Nobyembre 10 at 13, ayon sa pagkakasunod.

Nasa ensayo rin sina CJ Perez ng SMB, Roger Pogoy, Poy Erram at Calvin Oftana ng TNT pati na sina Japeth Aguilar, Jamie Malonzo at import na si Justin Brownlee ng Ginebra bilang isa sa dagdag na naturalization candidates.

Kahit injured ay nagpakita rin sa ensayo si Chris Newsome (calf) ng Meralco kasama sina Arvin Tolentino ng NorthPort at Gilas cadets Will Navarro at Lebron Lopez.

Pati sina UAAP standouts at naturalized Gilas player Ange Kouame ng Ateneo, Kevin Quiambao ng La Salle at Carl Tamayo ng UP ay nagpasiklab sa ensayo.

Titigil ang mga laro sa UAAP para sa Gilas Pilipinas  sa Nobyembre 7-15.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with