^

PM Sports

Rektahan sa boxing

BALL FACTOR - Carmela Villena - Pang-masa

Dumating pala si Floyd Mayweather  Jr., sa bansa pero wala raw itong kinalaman sa inaasam-asam ng lahat na rematch nila ni Manny Pacquiao.

Business trip, ang sabi. May project siya sa Frontrow Philippines.

Pero may plano raw na dinner kay Manny.

Baka naman magugulat na lang tayo, may Pacquiao-Mayweather Part 2 na.

Baka naman rekta na palang nag-usap sina Manny at Floyd para sa kanilang rematch.

Sige, umasa tayo… beke nge nemen.

***

Puwede na rin palang rumekta ang mga Pinoy boxers sa Olympics via Asian Games.

Dati kasi, dumadaan sa mga regional qualifiers at world qualifications, pero ngayon isinama na ang mga continental multisports events tulad ng Asian Games, base sa bagong qualifying system ng International Olympic Committee para sa 2024 Paris Olympics.

Dahil diyan, siguradong mapapalaban ang ating mga boxers na nagte-training na sa Baguio para sa Huangzhou Asian Games sa September 2023.

Puwede nang makadale ang mga  Pinoy bo­xers sa pangunguna nina Tokyo Olympics meda­lists Carlo Paalam (silver), Nesthy Petecio (silver) at Eumir Felix Marcial (bronze) sa  Huangzhou Asiad  kaysa dumaan pa sa iba”t ibang mas mahihirap na qualifiers.

BOXING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with