^

PM Sports

‘Darna’ nilipad ang PHILRACOM-RBHS race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinabilib ni Darna ang kanyang mga tagahanga matapos nitong silatin ang pinapaboran ng mga karerista na si Mabuhay sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na nilarga sa San Lazaro Leisure Park noong Huwebes ng gabi.

Nagmamadaling lumabas ng aparato si Darna na ginabayan ni jockey Jol  Siego para hawakan ang unahan ng may dalawang kabayo ang agwat sa sumusunod na si Pretty Meadow.

Hindi natinag sa unahan si Darna hanggang sa pagsapit ng far turn pero nakalapit naman sa kanya si Eochirunran kaya nagkapanabayan ang dalawa pagdating ng huling kurbada.

Bakbakan sa rektahan ang nasilayan ng mga karerista, nasa bandang labas si Eochirunran habang si Darna ay sa tabing balya dumaan subalit sa huling 100 metro ng laban ay nakuha na ng winning horse ang unahan.

Hinamig ng winning horse owner ang added prize na P10,000 sa pagkakapanalo ni Darna sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.

Nirehistro ni Darna ang 1:30.8 sa 1,400 meter race, dumating na segundo si Eochirunran, tersero si Mabuhay habang pumang-apat si Pretty Meadow.

vuukle comment

KARERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with