^

PM Sports

Hotshots sasagupa sa Dyip

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong buwan nakasama ng Magnolia si Serbian-American import Nikola Rakocevic, kaya kumpiyansa si coach Chito Victolero sa kanilang tsansa sa 2022 PBA Commissioner’s Cup.

“Iyong import nakasama na namin for the last three weeks so chemistry with him okay naman,” ani Victolero kay Rakocevic. “Iyung mga players naging maganda rin ang pahinga kasi medyo talagang bugbog noong playoffs.”

Lalabanan ng Hotshots ang Terrafirma Dyip ngayong alas-3 ng hapon kasunod ang bakbakan ng Ginebra Gin Kings at Rain or Shine Elasto Painters sa alas-5:45 ng hapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Ang 6-foot-10 na si Rakocevic ang dedepensa sa shaded lane para sa Magnolia.

“Hopefully, itong import bumagay. Kasi iyon ang kulang sa amin, iyong defensive big man na puwede naming asahan sa dulo at makakatulong sila Ian (Sangalang) at Rafi (Reavis) o kaya ni James (Laput),” ani Victolero.

Hindi maglalaro si Calvin Abueva dahil sa injury.

Pilit namang babangon ang Terrafirma mula sa 110-124 kabiguan sa Converge kung saan humakot si balik-import Lester Prosper ng 43 points at 25 rebounds.

Nalasap ng Dyip ang kanilang ika-17 sunod na kamalasan simula noong 2021 PBA Governors’ Cup.

Sa ikalawang laro, ipaparada ng Ginebra si Fil-Am forward Jamie Ma­lonzo na kanilang nahugot mula sa NorthPort kapalit nina Arvin Tolentino at Prince Caperal at isang future draft pick.

Hangad naman ng Rain or Shine na makabawi mula sa 90-96 pagkatalo sa NLEX.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with