^

PM Sports

UE lusot sa Mapua

Chris Co - Pang-masa
UE lusot sa Mapua
Tinirahan ni Lia Pelaga ng UE si Alyana Ong ng Mapua sa Shakey’s Super League.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Naitakas ng University of the East ang dikdikang 31-33, 25-20, 25-23, 21-25, 15-12 tagumpay laban sa Mapua University para makuha ang buwena­manong panalo sa Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship kahapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Malate, Manila.

Humataw ng husto si KC Cepada nang magtala ito ng 21 puntos para pamunuan ang Lady Warriors na hablutin ang 1-0 baraha sa Pool A.

“We had a shaky start and we were not playing our usual game. We allowed ourselves to play on Mapua’s pace instead of us dictating the tempo,” ani head coach Ronwald Dimaculangan.

Nagdagdag naman si Lia Pelaga ng 15 hits habang bumanat si Von Dima­culangan ng 11 puntos para tumulong sa Lady Warriors.

Pukpukan ang laban sa fifth set kung saan tabla pa ang iskor sa 7-all.

Nakagawa ang Lady Cardinals ng apat na sunud-sunod na errors na sinamantala ng Lady Warriors para makaungos sa 14-9.

Hindi agad bumitiw ang Lady Cardinals na naisalba ang tatlong match points para makalapit sa 12-14.

Ngunit isang krusyal na service error ang nagawa ni Mapua player Hannah De Guzman para tuluyang makuha ng UE ang panalo.

“It was an ugly win but at least I saw in them the resiliency to get bounce back. From here we’ll try to address our mistakes,” dagdag ni Dimaculangan.

Nanguna si De Guzman para sa Lady Cardinals tangan ang 10 puntos habang naglista naman sina Alyanna Ong at Nadine Berces ng pinagsamang 14 markers.

UNIVERSITY OF THE EAST

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with