^

PM Sports

Ramos suportado ang desisyon ng mga Pinoy imports

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Suportado ni Dwight Ramos ang anumang desisyon ng mga local pla­yers kung susubukan ang kapalaran abroad tulad niya o pipiliing manatili sa bansa kasunod ng humahabang listahan ng mga overseas Filipino imports.

Sa isang press confe­rence ng kanyang bagong koponan na Levanga Hokkaido sa Japan B.League, sinabi ni Ramos na iba-iba ang sitwasyon ng kada manlalaro at dedepende na lamang ito kung saan sila sasaya.

“Honestly, it’s just case by case,” ani Ramos na unang naglaro sa Toyama Grouses noong nakaraang season.

Isa sana sa inaabangang player ng Ateneo si Ramos sa UAAP subalit naunsyami ito dahil sa pandemya bago tuluyang maglaro para sa Gilas Pilipinas.

Sa Gilas ay ipinamalas ni Ramos ang kanyang galing na siyang naging daan upang mapansin ng B. League nang kunin ng Toyama.

Para kay Ramos, wala siyang maling desisyon para sa mga manlalaro rito na gustong ituloy ang basketball career o sa ibang bansa.

“That’s kind of my advice, just do what makes you happy,” ani Ramos na isa ngayon sa tumatayong lider ng Gilas at inaasahang shoo-in player para sa 2023 FIBA World Cup kasama sina Kai Sotto at Jordan Clarkson.

Parehong bangis ang inaasahang maibibigay ni Ramos sa Hokkaido na nagtapos sa ika-16 puwesto noong nakaraang season hawak ang 21-35 kartada.

Ang Toyama noon ay may 24-35 baraha para sa ika-14 posisyon.

Sa kanyang ikalawang season sa Japan ay makakasama niya sina Pinoy imports Greg Slaughter (Rizing Zephyr Fukuoka), Jordan Heading (Nagasaki Velca),  Jay Washington (Ryukyu Golden Kings), Justine Baltazar (Hiroshima Dragonflies) at Matthew Wright (Kyoto Hannaryz).

Swak sa kanilang bagong season sina Kobe Paras (Altiri Chiba), Kiefer Ravena (Shiga Lakestars), Ray Ray Parks Jr. (Nagoya Diamond Dolphins) at Thirdy Ravena (San-en NeoPhoenix).

vuukle comment

DWIGHT RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with