^

PM Sports

TNT paghahandaan ang SMB sa PBA Finals

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bukod sa pagpapa­hinga ay paghahandaan din ng nagdedepensang TNT  Tropang Giga ang duwelo nila ng San Miguel sa 2022 PBA Philippine Cup Finals.

Tinapos ng Tropang Giga ang kanilang best-of-seven semifinals series ng Magnolia Hotshots sa 4-2, habang tinakasan ng Beermen ang Meralco Bolts, 4-3, para plantsahin ang best-of-seven titular showdown.

Nakatakda ang Game One ng PBA Finals sa Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

“We have a lot of pla­yers who are banged up, so that extra break is really going to come in really, real­ly handy, not only to rest but also to prepare,” sabi ni coach Chot Reyes sa kanyang mga TNT players.

Ang Tropang Giga ang No. 2 team sa elimination round sa ilalim ng No. 1 Beermen.

Kaagad pinatalsik ng TNT ang No. 7 Converge sa quarterfinals bago sibakin ang Magnolia sa semifinals.

Ito ang pang-21 PBA finals appearance ng Tropang Giga at puntirya ang kanilang ika-siyam na kampeonato.

“That’s not only to rest but also to prepare,” wika ng 59-anyos na nine-time PBA champion coach sa paghahanda nila sa San Miguel sa PBA Finals.

Ito naman ng ika-43 finals stint ng Beermen at hangad ang pang-28 korona.

Huling naghari ang SMB noong 2019 nang ang­kinin ang Philippine Cup at Commissioner’s Cup titles ngunit nabigong makopo ang ikalawang Grand Slam matapos noong 1989.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with