^

PM Sports

Gilas mapapalaban sa Lebanon

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pamilyar at bigating Lebanon team ang sasagupa sa Gilas Pilipinas sa pagsisimula ng fourth window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Beirut sa Agosto 25.

Bibida sa Lebanon si FIBA Asia Cup MVP Wael Arakji para sa 18-man pool ng Cedars matapos ilabas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang 24-man pool nito.

Si Arakji ang nanguna sa kampanya ng Lebanon sa Asia Cup kung saan sila sumegunda sa likod ng kampeon na Australia matapos ang dikit na 73-75 kabiguan.

Nag-rehistro si Arakji ng 26.0 points, 3.2 rebounds, 4.0 assists at 1.8 steals para maging MVP kabilang ang 28 markers sa championship game.

Sa Asia Cup ay yumukod ang Gilas sa Lebanon, 80-95, at hindi nakapasok sa quarterfinals sa unang pagkakataon simula noong 2007.

Tutulong kay Arakji sina naturalized Jonathan Arledge, Elie Chamoun, Yousel Khayat, Gerard Hadidian, Karim Zeinoun, Ali Mansour, Ali Mezher, Sergio El Darwich, Hayk Gyokchan, Karim Ezzedine, Ater Majok, Mousa Shiuman, Aziz Abdel Massih, Marc Khoueiry, Jad Khalil, Amir Saoud at ace big man na si Ali Haidar.

Maging ang Saudi Arabia ay naglabas na rin ng 24-man pool sa pangunguna nina Khalid Abdel Gabar, Mohammed Almarwani, Mathna Almarwani at Fahad Belal na naglaro sa Asia Cup.

Makakalaban ng Gilas ang Saudi Arabia sa Agosto 29 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Babandera sa 24-man pool ng Gilas sina Jordan Clarkson, Kai Sotto, June Mar Fajardo, Scottie Thompson, Japeth Aguilar, CJ Perez, Kevin Alas, Ro­bert Bolick, Jio Jalalon at Ian Sangalang.

Makakasama nila sina Arvin Tolentino, Calvin  Oftana, Jamie Malonzo, Chris Newsome, Allein Maliksi, Raymond Almazan at Roosevelt Adams pati na ang mga orig Gilas players na sina Carl Tamayo, Kevin Quiambao, Dwight Ramos, Lebron Lopez, Thirdy at Kiefer Ravena.

FIBA

Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with