^

PM Sports

Gilas sisimulan ang ensayo para sa WC Qualifiers

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaasahang aarangkada ngayon ang training camp ng Gilas Pilipinas para sa fourth window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Agosto 25 to 29.

Magkakaroon ng halos dalawang linggong ensayo ang Nationals na magpaparada ng bagong bihis na koponan sa pangunguna nina NBA ace Jordan Clarkson ng Utah Jazz at NBL standout Kai Sotto ng Adelaide 36ers.

Masusubok ang Gilas kontra sa Lebanon sa Agosto 25 sa Beirut at laban sa Saudi Arabia sa Agosto 29 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Bagama’t inaabangang lalarga ang pagsasanay ng Gilas ay hindi muna inaasahang makakasali sina Clarkson at Sotto na parehong darating sa bansa sa Agosto 18.

Makakasama nila sa Gilas pool sina Dwight Ramos, Carl Tamayo, Kevin Quiambao, Bobby Ray Parks Jr., Thirdy at Kiefer Ravena na naglaro na rin sa mga nakalipas na window at sa 2022 FIBA Asia Cup sa Indonesia noong nakaraang buwan.

Kukumpleto sa Gilas ang mga PBA reinforcements mula sa 10 teams na hindi makakapasok sa finals ng 2022 Philippine Cup.

Hindi pa rin sigurado kung sino ang gagabay sa Gilas para sa fourth window mula sa coaching staff sa pangunguna ni head coach at national program director Chot Reyes kasama sina Tim Cone, Nenad Vucinic, Jong Uichico at Goldwin Monteverde.

Ito ang unang salang ng Gilas sa ensayo matapos bigong makapasok sa quarterfinals ng FIBA Asia Cup sa unang pagkakataon sa loob ng lagpas isang dekada.

Bahagi ang fourth window ng Qualifiers ng patuloy na paghahanda ng Gilas para sa 2023 FIBA World Cup kung saan pasok na ang bansa bilang main host.

Co-hosts ng Pilipinas ang Japan at Indonesia pero sa bansa idaraos ang playoffs ng 32-team World Cup kabilang ang championship sa 55,000-seater Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

 

vuukle comment

GILAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with