^

PM Sports

Marinero, La Salle puro na sa Finals

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinatumba ng Marinerong Pilipino ang Apex Fuel-San Sebastian, 74-66, sa Game One ng kanilang semifinals series at makalapit sa championship spot sa 2022 PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nagposte si Juan Gomez de Liaño ng 16 points, 10 rebounds at 7 assists para ihatid ang Skippers sa 1-0 lead sa kanilang best-of-three duel ng Golden Stags.

“We’re happy sa mga players kasi na-execute namin ng maayos iyong gameplan namin,” ani coach Yong Garcia. “Pero Game One pa lang ito and hopefully sa Game Two, maka-execute ulit kami.”

Pinamunuan ni Gomez de Liaño ang 21-8 atake ng Marinero na nagbigay sa kanila ng 17-point lead, 72-55, sa fourth quarter.

Binanderahan ni Ichie Altamirano ang Apex-SSC sa kanyang 12 points.

Sa ikalawang laro, tinalo ng EcoOil-La Salle ang Adalem Construction-St. Clare, 89-74, para sa tsansa sa pagsikwat sa Finals berth.

Humataw si Schonny Winston ng 24 points, 4 assists, 3 rebounds at 3 steals para pamunuan ang Green Archers.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with