^

PM Sports

Sotto ensayo agad sa 36ers

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Balik-ensayo si Kai Sotto kasama ang Adelaide 36ers sa Australia National Basketball League (NBL) bago umuwi sa bansa para samahan ang Gilas Pilipinas.

Mismong ang NBL at 36ers ang nag-post sa social media ng pagdating ni Sotto sa Adelaide bilang pagha­handa sa kanyang ikala­wang season matapos ma­ging unang Pinoy player sa liga noong nakaraang taon.

Sa Amerika nagsanay si Sotto sa mga nakalipas na buwan matapos maging undrafted sa 2022 NBA Rookie Draft sa Brooklyn, New York.

Matapos iyon ay pumir­ma si Sotto ng panibagong kontrata sa Adelaide para sa misyong magpalakas uli bago sumubok na makapunta sa NBA bilang ultimate goal nito.

Bagama’t wala pang pahinga ay sumabak agad sa training ng 36ers ang 7-foot-3 Filipino sensation upang masulit ang kanyang panahon.

Nagrehistro ng 7.5 points at 4.4 rebounds si Sotto sa kanyang unang taon sa Adelaide na pumang-pito sa NBL hawak ang 10-18 kartada.

Ilang araw lang magsasanay sa Adelaide ang 20-anyos na Pinoy pride dahil lilipad na siya pa-Pi­lipinas sa Agosto 18 upang samahan ang Gilas.

Lagpas isang linggo ang magiging training ni Sotto sa Gilas kasama si NBA ace guard Jordan Clarkson ng Utah Jazz bago pumarada sa fourth window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Kasama ang ibang PBA reinforcements, collegiate standouts at Pinoy imports sa overseas leagues, lalaban si Sotto, Clarkson at Gilas kontra sa Lebanon sa Beirut sa Agosto 25 at sa Saudi Arabia sa Agosto 25 sa Mall of Asia Arena.

Ito ang pagbabalik ni Sotto sa national team matapos noong 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark at FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade, Serbia.

KAI SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with