^

PM Sports

Kai excited na muling maglaro para sa Gilas

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na makapaghintay si Kai Sotto na muling lumaban para sa bayan sa kanyang pagbabalik sa Gilas Pilipinas sa fourth window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers ngayong buwan.

Sa isang Instagram post matapos ihayag ng Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang kanyang national team return ay ipinakita ni Sotto ang pagkasabik at paghahanda sa panibagong laban para sa bayan.

“Loading,” maikling post ni Sotto kasama ng larawan niyang nakasuot ng No. 11 Gilas Pilipinas jersey.

Nag-share din si Sotto ng mga larawang edited muna sa ngayon kasama si NBA ace guard Jordan Clarkson na parehong nakasuot ng Gilas jersey.

Bukod kasi sa 7-foot-3 Pinoy tower sensation ay balik-national team din si Clarkson ng Utah Jazz na tinanghal na NBA Sixth Man of the Year noong 2021.

Huling naglaro si Sotto para sa Gilas noong 2021 FIBA Asia Cup qualifiers at FIBA Olympic Quali­fying Tournament habang si Clarkson ay noong 2018 Asian Games.

Magkaiba ang kanilang panggagalingan subalit parehong darating ang da­la­wang reinforcements sa Agosto 18.

Ito ay ilang araw bago ang laban ng Gilas kontra sa Lebanon sa Agosto 25 sa Beirut at kontra sa Saudi Arabia sa Agosto 29 sa Mall of Asia Arena.

 Inaasahang ilalabas na rin ng SBP ang pangalan ng mga PBA players na kukumpleto sa naunang pool nina Dwight Ramos, Carl Tamayo, Kevin Quiambao, Bobby Ray Parks Jr., Thirdy Ravena at Kiefer Ravena.

 

GILAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with