^

PM Sports

Creamline mapapalaban sa King Whale

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mapapalaban ang Open Conference champion Creamline sa foreign guest team King Whale Taipei sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League (PVL) Invitational Confe­rence ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Magtutuos ang Cool Smashers at King Whale sa alas-4 ng hapon kung saan puntirya ng Taiwanese squad na maibulsa ang hu­ling tiket sa finals.

Papalo para sa Cool Smashers sina Open Conference MVP at league top scorer Tots Carlos, team captain Alyssa Valdez.

Tatapatan naman ito ng King Whale sa ngalan ni Brazilian import heavy-hitter Bea Carvalho kasama sina Lian Yi-Jen Wang Yu-Wen at Chen Li-Jun.

Kasalukuyang may 2-0 rekord ang King Whale kung saan tinalo rin nito ang PHL Army noong Lunes, 26-24, 25-18, 26-24.

At kung mananaig ang King Whale sa Creamline, awtomatikong makukumpleto ang finalists sa kumperensiyang ito.

Pormal nang nasikwat ng Cool Smashers ang u­nang silya sa finals dahil sa kanilang matikas na 3-0 baraha.

 

KING WHALE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with