TNT puro na sa finals
MANILA, Philippines — Nang kumawala ang nagdedepensang TNT Tropang Giga sa third quarter ay hindi na sila nahabol ng Magnolia.
Humakot si Poy Erram ng 19 markers at 13 rebounds para banderahan ang Tropang Giga sa 102-84 demolisyon sa Hotshots sa Game Four at kunin ang 3-1 lead sa 2022 PBA Philippine Cup semifinals series kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
“We’re willing to give everything para manalo iyong team,” wika ng 6-foot-9 na si Erram. “I’m very fortunate na iyong mga teammates ko hinahanap din ako.”
Pipilitin ng TNT na kunin ang championship ticket sa pagsagupang muli sa Magnolia sa Game Five bukas.
Sa unang laro, itinabla ng Meralco sa 2-2 ang kanilang serye ng San Miguel matapos kanain ang 111-97 panalo.
Nagposte si guard Aaron Black ng 21 points, 7 rebounds at 7 assists para sa pagresbak ng Bolts habang may 19, 18, 17 at 12 markers sina Allein Maliksi, Cliff Hodge, Raymond Almazan at Bong Quinto, ayon sa pagkakasunod.
“We’re trying to take advantage of what we saw in Game 3. We made the adjustments on how to attack their defense because their defense has been pretty good so far in the series. And it worked out for us,” ani coach Norman Black.
Pinamunuan ni CJ Perez ang Beermen sa kanyang 24 points, at may 23 at 21 markers sina Lassiter at six-time PBA MVP June Mar Fajardo, ayon sa pagkakasunod.
- Latest