^

PM Sports

San Miguel pinutol ang linya ng Converge

Russell Cadayona - Pang-masa
San Miguel pinutol ang linya ng Converge
Naghanap ng butas si San Miguel guard CJ Perez laban kay Converge center Abu Tratter.
PBA Image

MANILA, Philippines — Bumangon ang San Mi­guel sa una nilang ka­biguan matapos ibaling ang galit sa Converge, 111-92, sa PBA Philippine Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Humakot si CJ Perez ng triple-double na 15 points, 13 rebounds at 12 assists para sa 4-1 record ng Beermen at sosyohan ang Ginebra Gin Kings sa liderato.

“Siyempre, willing akong mag-step up para sa mga teammates ko. Nag­titiwala lang tala­ga kami sa isa’t isa para manalo kami,” ani Perez.

Tumipa si Jericho Cruz ng 22 points, ang 18 rito ay iniskor niya sa first half.

Bigo ang FiberXers na maitala ang ikalawang sunod na panalo para sa 2-4 marka.

Matapos tangayin ang 28-16 bentahe sa first quar­ter ay umarangkada ang San Miguel sa se­cond period para itayo ang 31-point lead, 57-26, sa Converge sa 4:02 minuto patungo sa halftime.

Nagpilit ang Fi­ber­Xers na makalapit, ngunit hindi bumitaw ang Beermen sa paghawak sa kalamangan at inilista pa ang 98-74 abante sa hu­ling 4:55 minuto ng final canto.

Sa unang laro, pinamunuan ni Season 46 Rookie of the Year Mikey Williams ang ratsada ng nag­dedepensang TNT Tro­­pang Giga sa fourth period para kunin ang 87-72 panalo sa Phoenix

Tumapos si Williams na may 27 points tampok ang 11 sa final canto para sa ikatlong dikit na panalo ng Tropang Giga (5-2) at may 20 markers si RR Pogoy.

Nahulog ang Fuel Mas­­ters (2-4) sa kanilang ika­lawang sunod na kabiguan.

CONVERGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with