^

PM Sports

Bossing diretso sa ika-2 dikit na panalo

Russell Cadayona - Pang-masa
Bossing diretso sa ika-2 dikit na panalo
Ginamit ni Ato Ular ang screen ni Blackwater teammate Yousef Taha para makawala kay Joseph Gabayni ng Terrafirma.
PBA Image

MANILA, Philippines — Sa isang iglap ay na­ka­­hulagpos ang Blackwater sa second period pa­tungo sa 107-70 pag­lampaso sa Terrafirma sa PBA Philippine Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Rumatsada ang Bos­sing sa kanilang ikalawang sunod na panalo para sa 3-1 record at su­mos­yo sa second place ha­bang nalasap ng Dyip ang pang-limang dikit na kamalasan.

Ito ang pinakamala­king winning margin ng Blackwater ni coach A­riel Vanguardia sa kanilang franchise history.

“We can’t celebrate too much because we know that every team has the capability to beat each o­ther,” ani Vanguardia sa Bossing, nagtala ng PBA record na 29-game losing slump sa PBA Season 46. “It’s a team effort.”

Umiskor si rookie Ato Ular ng 16 points at may 14, 12 at tig-11 markers sina JVee Casio, Yousef Taha, Mark Dyke, James Sena at Barkley Ebona, ayon sa pagkakasunod.

Matapos itabla ni Jo­seph Gabayni ang Terrafirma sa 23-23 sa pagsisimula ng second quarter ay kumawala ang Blackwater sa paghuhulog ng 18-4 bomba para sa 41-27 abante sa 5:56 minuto nito.

Isinara ng Bossing ang first half bitbit ang 54-38 kalamangan bago iposte ang 22-point lead mula sa triple ni Sena sa huling 47 segundo ng third period.

Ang back-to-back tri­­ples ni Dyke sa 5:29 mi­nuto ng final canto ang nagbaon sa Dyip sa 92-63.

Lalo pang naiwanan ang Terrafirma sa 68-100 sa huling 2:23 minuto ng laro matapos ang layup ni Blackwater guard Mike Ayonayon.

Pinamunuan ni Jo­shua Munzon ang Dyip sa kanyang 17 points, 5 rebounds, 3 assists at 2 blocks.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with