^

PM Sports

Butler pinuwersa ang Celtics sa game 7

Pang-masa
Butler pinuwersa ang Celtics sa game 7
Nailusot ni Heat forward Jimmy Butler ang kanyang tangka mula sa depensa nina Robert Williams at Grat Williams ng Celtics sa Game 6.

BOSTON — Umiskor si Jimmy Butler ng 47-puntos, bukod pa ang siyam na rebounds at walong assists para puwersahin ng Miami Heat na madala ang kanilang Eastern Conference finals sa Game 7 nang ta­lunin ang Celtics, 111-103.

Sampung taon matapos magposte si LeBron James ng 45 puntos sa  Boston para tulungan ang Miami na maiwasan ang pagkakasibak sa Game 6 ng Conference Finals patungo sa kanilang unang back-to-back NBA titles, nagpasok si Butler ng 17 puntos sa fourth quarter para imando ang serye pabalik sa Miami.

Umaasa ang Heat na sila ang makakalaban ng naghihintay na Golden State Warriors sa NBA Finals sa ikalawang pagkakataon sa loob ng tatlong taon.

Angat ang Celtics sa 97-94, mula sa tres ni Derrick White, sumagot si Kyle Lowry ng isang tres na sinundan ng dalawang freethrows para agawin ang manibela.

Matapos ang ilang sagutan ng tira na ang huli ay sa 99-all, muling bumida si Butler katulong si P.J. Tucker para selyuhan ang kanilang unang panalo sa bakuran ng Boston.

Tumapos si Lowry na may 18 puntos at 10 assists bago na-foul out sa natitirang 2:18.

Binanderahan ni Jayson Tatum ang Celtics sa kanyang 30 puntos at siyam na rebounds habang nag-ambag naman si Whi­­te ng 22 puntos.

EASTERN CONFERENCE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with