Full support sa mga atleta ipinanawagan ni Cayetano

MANILA, Philippines — Kayang-kaya ng mga Pinoy athletes na manalo sa mga international com­petitions kung solido ang suporta ng gobyerno.

Ito ang pahayag kahapon ni Senator-elect Alan Peter Cayetano ma­tapos ang fourth-place fi­nish ng Pilipinas sa ka­tatapos lamang na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

“Imagine kung full-support pa ang ating gob­yerno sa ating athletes, from their education to training to expenses,” ani Cayetano. “Kayang-kaya nating maging champion sa international events.”

Nag-uwi ang mga national athletes ng kabuuang 52 golds, 70 silvers at 104 bronzes m­edals mula sa Vietnam SEAG matapos kumo-lekta ng 149 golds, 117 silvers at 121 bronzes nang pagharian ang SEA Games noong 2019.

Nakaapekto sa kampanya ng mga Pinoy athletes ang pandemya na nagpahinto sa kanilang training at paglahok sa mga international events simula noong 2020.

“All things conside-red, we did very well sa SEA Games na ito. We ha­ve to remember na medyo on-and-off ang trai­ning ng athletes natin during the pandemic. And to put it in perspective, ito ang isa sa biggest medal hauls natin sa games na hindi dito sa Pilipinas ginawa,” ani Cayetano.

Advertising
Scroll to continue

Inagaw ng host Vietnam ang overall crown sa hinakot na 205 golds, 125 silvers at 116 bron­zes kasunod ang Thailand (92-103-136) at Indonesia (69-91-81).

Show comments