Ravena nagretiro na sa SEAG

MANILA, Philippines — Tapos na ang pagsusuot ni star guard Kiefer Ravena sa uniporme ng Gilas Pilipinas sa Southeast Asian Games.

Inihayag ni Ravena sa kanyang Instagram account na ang nakaraang 31st SEA Games sa Hanoi, Vietnam ang pinakahuli na niyang paglalaro para sa bansa.

“That’s it for me!. Hanging these bad boys up for my last SEA Games!” wika ni Ravena na kumolekta ng limang sunod na gold medal sa SEA Games bago natalo ang Gilas Pilipinas sa Indonesia sa finals ng Vietnam edition.

“Been my absolute pleasure playing for the Philippines,” wika ng Pinoy star guard na unang nakamit ang SEAG basketball gold noong 2011 sa Jakarta, Indonesia sa edad na 18-anyos.

Mula rito ay sunud-sunod ang paghahari ng 6-foot-2 na si Ravena at ng mga Pinoy cagers sa SEA Games noong 2013, 2015, 2017 at 2019.

Sa 81-85 pagyukod ng Gilas Pilipinas ni coach Chot Reyes sa Indonesia ay tumapos si Ravena na may 9 points, 4 rebounds, 4 assists at steals na kanyang na­ging pinakahuling SEA Games appearance.

“Thank you SEA Games for the competition, relationship, and memories,” wika ng da­ting kamador ng Ateneo Blue Eagles sa UAAP. “Thirteen straight (gold medals) is tough to beat, and I’m proud of my team. Sorry we fell short.”

Si Ravena ang ipinalit ni Reyes kay Robert Bolick sa Gilas Pilipinas lineup dahil sa pagpunta ng NorthPort scorer sa US para makapiling ang amang may sakit.

 

Show comments