^

PM Sports

Kiefer, Shiga winalis ang Osaka

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa pangunguna ni Kiefer Ravena ay winalis ng Shiga Lakestars ang Osaka Evessa sa back-to-back weekend duel upang mapatid ang 16-game losing slump sa 2021-2022 Japan B. League.

Sa tulong ng homecourt advantage sa Ukaruchan Arena ay umiskor ang Shiga ng 79-78 at 88-78 panalo laban sa Osaka.

Huling nanalo si Kiefer at ang Shiga kontra sa kapatid na si Thirdy at sa San-en NeoPhoenix, 104-100, noong Pebrero 26.

Ito rin ang unang back-to-back wins ng Shiga simula noong Disyembre 25 at 26 nang walisin nila ang Niigata Albirex BB ni Kobe Paras.

Dahil dito ay umangat sa 12-33 record ang Lakestars na tengga pa rin sa ika-20 puwesto ng 22-team B. League.

Samantala, hindi nakapaglaro sina Gilas Pilipinas Dwight Ramos at Thirdy Ravena sa 2-0 sweep ng Toyama Grouses kontra sa San-en, 92-80 at 93-86.

Hindi naman natuloy ang laban ni Ray Parks Jr. ng Nagoya Diamond Dolphins (26-12) at Kobe Paras ng Niigata Albirex BB (5-39) dahil sa COVID-19 protocols.

Kanselado rin ang laro ni Matthew Aquino ng Shinshu Brave Warriors (22-24) kontra Mikawa at Javi Gomez de Liaño ng Ibaraki Robots (13-31) laban sa Utsunomiya.

KIEFER RAVENA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with