76ers pinatibay ang tsansa sa No. 3 seed sa East playoffs

PHILADELPHIA — Humakot si Joel Embiid ng 41 points at 20 rebounds sa paggabay sa 76ers sa 133-120 paggupo sa Indiana Pacers.

Tumipa si Embiid ng 14-for-17 fieldgoal shooting para sa Philadelphia (50-31) na gustong makopo ang third seed sa Eastern Conference playoffs.

Nag-ambag si James Har­den ng 22 points at 14 assists, habang may tig-18 at 15 markers sina Tobias Harris, Tyrese Maxey at Danny Green, ayon sa pag­ka­kasunod.

Umiskor si Oshae Brissett ng 20 points kasunod ang 19 markers ni Tyrese Ha­liburton para sa pang-si­yam na sunod na kabiguan ng Indiana (25-56).

Nakadikit ang Pacers sa six-point deficit sa third pe­riod matapos mabaon ng 21 points sa first half.

Ngunit nagtuwang sina Embiid at Harden para kontrolin ang laro at ihatid sa pa­nalo ang 76ers.

Sa San Antonio, naglista sina Jonathan Kuminga at Jordan Poole ng tig-18 points sa 100-94 panalo ng Golden State Warriors (52-29) sa Spurs (34-47) bagama’t hindi naglaro sina Stephen Curry at Klay Thompson.

Ito ang ikaapat na sunod na ratsada ng Warriors para palakasin ang kapit sa No. 3 spot sa Western Conference.

Sa Los Angeles, humataw si Paul George ng 23 points at career high na 12 assists sa 117-98 pagpapatumba ng Clippers (41-40) sa Sacramento Kings (29-52).

Nagposte ang Clippers ng 5-1 record sapul nang bu­malik si George sa lineup.

Lalabanan nila ang Minnesota Timberwolves (46-35) sa Martes para sa play-in tournament.

Sa Memphis, naglista si Ja Morant ng 21 points sa kanyang pagbabalik mula sa right knee injury para sa 141-114 pag-ubos ng Grizzlies (56-25) sa New Orleans Pelicans (36-45).

Ito ang unang laro ni Mo­rant matapos mawala sa siyam na laban ng second-seeded Memphis.

 

Show comments