^

PM Sports

Kiefer sinuspinde na, pinagmulta pa

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinatawan si Filipino import Kiefer Ravena ng Shiga Lakestars ng one-game suspension at mul­tang JPY50,000 (P21,000) dahil sa dalawang unsportsmanlike fouls.

Nangyari ito sa 57-79 pagkatalo ng Lakestars laban sa Kyoto Hannaryz noong Linggo sa Japan B. League.

Dahil dito ay hindi nakalaro si Ravena sa laban ng Shiga kontra sa Osaka sa Ukaruchan Arena ka­gabi.

Kasalukuyang may 10-26 kartada ang Lakestars sakay ng siyam na sunod na pagkatalo para sa ika-19 puwesto ng 22-team B. League.

Nauna nang nakatanggap ng two-game suspension ang kapatid ni Kiefer na si Thirdy Ravena ng San-en NeoPhoenix dagdag pa ang multang JPY100,000 (P42,000) noong nakaraang taon dahil sa post-game conduct na nakasira sa isang B. League sponsor sign board.

Samantala, patuloy ang kampanya ng iba pang Pinoy imports at kanilang mga koponan kagabi sa pangunguna ni Ray Parks Jr. at ng sixth-running Nagoya Diamond Dolphins.

Hawak ang 24-10 baraha ay kasagupa ng Nagoya ang Mikawa sa alas-6:05 kagabi habang katapat ng Lakestars ang Osaka sa alas-6:15 ng gabi.

KIEFER RAVENA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with