Lomotos hari ng 11th LBC Ronda

Ronald Lomotos.

BAGUIO CITY — Kinoronahan ni Ronald Lomotos ng Navy Standard Insurance ang kanyang sarili bilang hari ng 1th LBC Ronda Pilipinas kahapon dito sa Burnham Park.

Nagposte ang 27-anyos na si Lomotos ng aggregate time na 35:31:38 para ungusan ng 21 segundo si teammate Ronald Oranza.

Ibinulsa ng tubong San Felipe, Zambales ang prem­yong P1 mil­yon sa nasabing 10-stage bikefest na nagsimula sa Sorsogon City.

Nakasama si Lomotos sa main group na tumawid sa fnish line ng 3.1-kilometer criterium at tumapos sa 20th place.

Si Ryan Tugawin ng Excelent Noodles ang nag­hari sa Stage 10 sa kan­yang oras na 1:17:15.

Ito ang unang Ronda crown ni Lomotos maka­raang sumegunda kay Navy teammate George Oconer noong 2020.

Naagaw ni Lomotos ang overall lead matapos ma­nalo sa 174.4-kilometer Echague-Baguio Stage Nine no­ong Sabado.

Inangkin ng Navy ang pang-pitong Ronda team crown sa ka­nilang total clocking na 103:56:27.

Show comments