Ancajas gusto ng rematch kay Martinez

MANILA, Philippines — Sumisigaw si Jerwin Ancajas ng rematch laban kay Fernando Martinez para mabawi ang kanyang International Boxing Federation (IBF) super flyweight title.

 Nahubaran ng korona si Ancajas nang umani ito ng unanimous decision loss kay Fernando Martinez ng Argentina kahapon sa Cosmopolitan Arena sa Las Vegas, Nevada.

“I’m happy that I got to fight Martinez, an Olympian, he’s really good. I’ll do everything next time to regain the belt,” ani Ancajas.

Ramdam ang dominasyon ni Martinez na nagpakawala ng 833 suntok kung saan 421 power punches ang tumama kay Ancajas.

Kumunekta pa ito ng 213 jabs sa kanyang 1,046 na pinakawalan.

Sa kabilang banda, ta­nging 170 power punches lamang ang naikonekta ni Ancajas mula sa kanyang 548 power punches na pinakawalan.

Malayo rin ang 22 jabs na tumama sa 268 jabs nitong ibinigay.

Nakuha ni Martinez ang boto ng lahat ng tatlong hurado kung saan dominadong-dominado nito ang score cards — 118-110, 118-110, at 117-111.  

Show comments