Pingris kinuhang assistant sa Gilas

MANILA, Philippines — Bahagi na ulit si ve­teran forward Marc Pingris ng Gilas Pilipinas subalit sa pagkakataong ito ay bilang assistant coach ni Chot Reyes.

Pormal nang tinanggap ni Pingris ang alok na ma­ging bahagi ng c­oaching staff ni Reyes sakto sa kampanya ng Gilas sa first window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Pebrero 24-28 sa Smart Araneta Coliseum.

Makakasama ni Pingris sa coaching staff ni Reyes sina Jong Uichico, Josh Reyes at dating New Zealand national team mentor na si Nenad Vucinic.

Kilala si Pingris bilang isa sa mga lider ng makasaysayang 2013 Gilas team na nagtapos sa ikalawang puwesto ng FIBA Asia Cham­pionships upang ma­ka­balik ang bansa sa FIBA World Cup matapos ang apat na dekada.

Nagretiro si Pingris sa PBA at sa national team no­ong nakaraang taon ma­tapos ang makulay na 16-year career tampok ang siyam na kampeonato, 15 All-Star selections at dalawang Finals MVP awards.

Noong nakaraang Pasko ay iniretiro ng Magnolia (Purefoods) ang No. 15 jersey ni Pingris na bahagi rin ng 40 PBA Greatest Players.

 

 

Show comments