^

PM Sports

Suns tinakasan ang Bulls

Pang-masa
Suns tinakasan ang Bulls
Iniskoran ni Devin Booker ng Suns si Javonte Green ng Bulls sa first half.

CHICAGO — Humataw si Devin Booker ng 38 points para banderahan ang NBA leading-Phoenix Suns sa 127-124 pag-eskapo sa Bulls at dumiretso sa kanilang ikalawang sunod na ratsada.

Nagposte ang Suns (43-10) ng 27-point lead sa third quarter patungo sa kanilang ika-13 panalo sa huling 14 games at patuloy na pamunuan ang NBA at Western Conference.

Nagdagdag si Chris Paul ng 19 points at 11 assists habang may 16 at 15 markers sina JaVale McGee at Mikal Bridges, ayon sa pagkakasunod.

Ito ang ikalawang sunod na pagkatalo ng Chicago at nalaglag sa No. 3 spot sa Eastern Conference.

Sa Oklahoma City, umiskor si Klay Thompson ng 21 points tampok ang tatlong triples sa 110-98 paggupo ng Golden State Warriors (41-13) sa Thunder (17-36).

Nagdagdag si Stephen Curry ng 18 points, 10 assists at 9 rebounds para sa pang-siyam na sunod na arangkada ng Warriors para manatili sa No. 2 sa West.

Sa Washington, tumipa si Bam Adebayo ng 21 points sa 121-100 demolisyon ng Eastern Conference-leading Miami Heat (35-20) sa Wizards (24-29).

Sa Salt Lake City, kumolekta si Donovan Mitchell ng 32 points, 7 rebounds at 6 assists sa 113-104 paggiba ng Utah Jazz (33-21) sa New York Knicks (24-30).

Sa Charlotte, nagtala si Pascal Siakam ng 24 points, 11 rebounds at 8 assists sa 116-101 pagsagpang ng Toronto Raptors (29-23) sa Hornets (28-27).

 

DEVIN BOOKER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with