Phoenix humigpit ang kapit sa No. 1

DETROIT — Humataw si Devin Booker ng 30 points, 4 rebounds at 4 assists para muling banderahan ang NBA-leading Phoenix Suns sa 135-108 pagdemolisa sa Pistons.

Ito ang kanilang ikatlong sunod na panalo.

Kumonekta si Booker ng magandang 11-of-14 fieldgoal shooting para sa patuloy na pamumuno ng Suns (33-9) sa NBA at Western Conference.

Itinayo ng Phoenix ang 64-54 halftime lead sa likod ng 21 points ni Booker, habang nagdagdag si center JaVale McGee ng 8 markers patungo sa 89-69 pagbaon sa Detroit sa fourth period.

Tumapos si McGee na may 20 points kagaya ni guard Cameron Payne.

Pinamunuan ni rookie Cade Cunningham ang Pistons (10-32) sa kanyang 21 points bago napatalsik sa third quarter.

Sa Minneapolis, kumolekta si center Karl-Anthony Towns ng 26 points at 11 rebounds para pamunuan ang Minnesota Timberwolves (21-22) sa 119-99 paggupo sa Golden State Warriors (31-12).

Nagdagdag si Jaylen Nowell ng 17 points at may 16 markers si Malik Beasley para sa Timberwolves.

Hindi naglaro ang mga may injury na sina Steph Curry at Draymond Green para sa Warriors na nalasap ang pang-limang kabiguan sa huling pitong laro.

Sa Denver, matapos magka-COVID, humakot si Rudy Gobert ng 18 points at 19 rebounds sa kanyang pagbabalik sa lineup para tulungan ang Utah Jazz (29-14) sa 125-105 pagbugbog sa Nuggets (22-20).

Samantala, apat hanggang anim na linggong matetengga si Brooklyn Nets’ star forward Kevin Durant matapos magkaroon ng sprained ligaments sa kanyang kaliwang tuhod nang sila ay matalo sa New Orleans Pelicans.

Show comments