_pang-masa
^

PM Sports

Umandal lalaro sa Bahrain

Chris Co - Pang-masa
Umandal lalaro sa Bahrain
Joshua Umandal.

MANILA, Philippines — Sasalang sa bagong hamon si outside hitter Joshua Umandal matapos itong hugutin ng Bahra-nian volleyball club na Bani Jamra bilang import sa Rashid Volleyball League first division.

Umagaw ng atensiyon si Umandal nang maglaro ito sa para sa national team noong 2021 Asian Men’s Club Volleyball Championship na ginanap sa Thailand kung saan naging top scorer ito ng koponan.

Kaya naman nangako si Umandal na gagawin nito ang lahat upang makatulong sa Bani Jamra sa kampanya sa Bahrain league.

“Thankful ako sa opportunity at tiwala na ibi-nigay ng team sa akin. Kailangan kong ilabas ang lahat para masuklian ko ‘yung trust nila sa akin,” anang 6-foot-2 spiker.

Kahapon, umalis na si Umandal patungong Manama kung saan sasailalim ito sa safety and health protocol requirements bago makasama ang kanyang bagong team.

“Joshua Umandal departs today to Bahrain as he is chosen to play for Bani Jamra Volleyball Club,” ayon sa post ng Virtual Playground na siyang humahawak sa career ng University of Santo Tomas standout.

Si Umandal ang ikalimang Pinoy na magsisilbing import sa international clubs. Ang Bani Jamra ang dating volleyball club na nilaruan ni Marck Espejo.

JOSHUA UMANDAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with