Kai Sotto alanganin sa Gilas

MANILA, Philippines — Posibleng maglaro ang Gilas Pilipinas na wala si Adelaide 36ers player Kai Sotto sa first window ng 2023 FIBA World Cup Qualifiers na idaraos sa Pebrero sa Pilipinas.

Mismong si Adelaide 36ers head coach CJ Bruton ang nagkumpirma na wala pang nababanggit ang management patungkol sa posibleng paglalaro ni Sotto sa FIBA World Cup Qualifiers.

“That’s something I haven’t discussed yet, and that’s something probably over my head at this point in time,” ani Bruton sa online press conference na inorganisa ng Tap Sports.

Nasa Australia si Sotto kasama ang Adelaide 36ers sa kampanya nito sa National Basketball League (NBL).

Sinabi ni Bruton na wala sa kanya ang pagdedesisyon sa usapin ng paglalaro ni Sotto sa Gilas Pilipinas.

Tanging ang kampanya ng Adelaide sa NBL nakasentro ang kanyang atensiyon.

“That’s something that I’ll need to take up the chain, and that’s a question that needs to be asked to someone higher than me,” ani Bruton.

Sasabak ang Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup Qualifiers kung saan makakalaban ng tropa ang South Korea, New Zealand at India.

Focus muna si Sotto sa ngayon sa NBL kung saan dalawang beses na itong hindi nakalaro sa laban ng Adelaide dahil nagpapagaling pa ito sa kaniyang knee injury.

Show comments