^

PM Sports

Go for Gold-Air Force nakaiwas sa malaking upset

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sumaklolo si Mark Alfafara sa paboritong Go For Gold-Air Force upang makaiwas sa malaking upset kontra sa VNS Manileño Spikers, 23-25, 25-23, 19-25, 25-23, 15-11, sa pagbubukas ng Champions League men’s tournament kahapon sa Aquamarine Recreational Center Gym dito sa Lipa, Batangas.

Pumalo si national spiker Alfafara ng 19 puntos sakay ng limang blocks kabilang na ang pampanalong tapal sa deciding set upang giyahan ang national team-laden Air Force Spikers sa comeback win at 1-0 kartada ng Pool A.

Bumira rin ng tig-16 puntos sina Kim Malabunga at John Vic De Guzman habang may 13 markers si Edwin Tolentino para sa Go For Gold sa ilalim ng gabay ni Philippine team coach Dante Alinsunurin.

Nasa Go For Gold din sina libero Ricky Marcos (14 digs at 16 excellent receptions), setter Jessie Lopez at middle blocker Francis Saura na pawang tumulong sa makasaysayang silver medal finish ng Pinas sa 2019 Southeast Asian Games.

“Lahat naman ng teams dito, laban talaga so sabi ko lang sa kanila, balik tayo sa basics. Relax lang at mag-focus tayo sa sistema natin. Paunti-unti, darating ‘yan,” ani  Alinsunurin matapos nilang ipagpag ang kalawang mula sa matagal na pahinga.

Sa ikalawang laro, nagpakawala ng 18 puntos si Jian Matthew Salarzon upang trangkuhan sa dikit na 25-22, 25-16, 21-25, 21-25, 15-12 panalo ang MRT-Negros kontra sa Sabong International Spikers.

Umangat sa 1-0 baraha ng Pool B ang MRT-Negros habang lagpak sa 0-1 kartada ang Sabong International sa kabila ng 15 puntos ni Charles David Absin..

AIR FORCE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with