_pang-masa
^

PM Sports

SMBeer, Magnolia lumapit sa semis

Russell Cadayona - Pang-masa
SMBeer, Magnolia lumapit sa semis

MANILA, Philippines — Isang panalo na lang ang kailangan ng No. 3 Magnolia at No. 4 San Miguel papasok sa best-of-seven semifinals series.

Ito ay matapos igupo ng Hotshots ang No. 6 Rain or Shine Elasto Painters, 81-70, at lusutan ng Beermen ang No. 5 NorthPort Batang Pier, 88-87, sa Game One ng kani-kanilang quarterfinals duel sa 2021 PBA Philippine Cup kahapon sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Isinalpak ni Alex Cabagnot ang isang fadeaway shot sa huling 1.5 segundo tungo sa 1-0 abante ng San Miguel sa NorthPort.

Humugot naman si Paul Lee ng 13 sa kanyang 20 points sa final canto para tulungan ang Magnolia na ilista ang 1-0 bentahe sa kanilang best-of-three quarterfinals showdown ng Rain or Shine.

“Hindi lang naman points ang nako-contribute ni Paul eh. Overall, iyong kanyang presence ang importante,” sabi ni Hotshots coach Chito Victolero kay Lee na may isang puntos lamang sa first half.

Kumolekta si big man Ian Sangalang ng 19 markers at 13 rebounds, habang may tig-10 points sina Jio Jalalon at Rome dela Rosa.

Isang triple at dala-wang free throws ni Lee ang naglayo sa Magnolia  sa 79-70 sa nalalabing 44 segundo para selyuhan ang ikatlong sunod na panalo kasama ang dalawa sa eliminasyon.

Sa ikalawang laro, ang winning basket ni Cabagnot para sa Beermen ang tumabon sa naunang tres ni Robert Bolick sa huling 5.1 segundo para sa 87-86 bentahe ng Batang Pier.

“Alex is the first option to receive but his man anticipated the move. But I know Alex is familiar with that area,” ani San Miguel coach Leo Austria.

SAN MIGUEL BEER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with