Athletics bubble training OK na sa Baguio

MANILA, Philippines — Payag ang Baguio City na gawin ang bubble training ng Philippine Athhletics Track and Field Association (PATAFA) sa kanilang lungsod.

Ito ang sinabi kahapon ni PATAFA spokesperson at marketing director Edward Kho sa “People-SportsConversations” program ng Philippine Sports Commission (PSC).

“Ikinakasa na iyong training period in preparation for the Southeast Asian Games,” wika ni Kho. “May preliminary talks na with Mayor (Benjamin) Magalong and he has given his commitment in the event that the bubble training would start, Baguio will be the willing host and will provide the support.”

Bukod sa SEA Games na idaraos sa Hanoi, Vietnam sa 2022 ay pinaghahandaan rin ng mga national athletes ang Asian Games sa Hangzhou, China.

“Kunwari kapag nag-start na ang bubble training sa Baguio, baka magkaroon ng special permit ang ating mga long distance runners na hindi mag-face mask habang tumatakbo. Ang face mask kasi para lang sa mga recreational runners,” sabi ni Kho.

Hinihintay pa ng PATAFA ang go-signal mula sa PSC, Inter-Agency task Force (IATF) at Department of Health (DOH) para sa kanilang bubble training sa Baguio City.

 

Show comments