_pang-masa
^

PM Sports

Petecio, Obiena tangka ang gold

Nelson Beltran - Pang-masa
Petecio, Obiena tangka ang gold
Nesthy Petecio.

TOKYO — Hindi lang isa kundi posible pang tatlong gold medal ang makamit ng Pilipinas sa Tokyo Olympic Games.

Ito ay dahil sa malakas na tsansa nina Nesthy Petecio at Eumir Felix Marcial sa boxing at EJ Obiena sa pole vault para sa Olympic gold na nakuha ni weightlifter Hidilyn Diaz noong nakaraang linggo.

Nakatakdang labanan ni Petecio si Japanese Sena Irie para sa gold medal ng women’s featherweight division ngayong alas-12:05 ng tanghali sa Kokugikan Arena.

Inaasahang gagamitin ng 29-anyos na si Petecio ang kanyang malalim na eksperyensa laban sa 20-anyos na si Irie.

“Malaking bagay ito para sa akin. Dream ko ito at dream rin ng tatay ko,” wika ni Petecio, sinuntok ang gold medal noong 2019 AIBA Women’s World Championships sa Russia.

Umabante sa finals sa ni Petecio nang dispatsahin nito si Irma Testa ng Italy, 4-1, sa semifinals matapos sibakin si Colombian Yeni Marcela Arias Castaneda sa quarterfinals.

Sa alas-10:15 ng umaga ay haharapin naman ni flyweight Carlo Paalam si Olympic at world champion Shakhobidin Zoirov ng Uzbekistan sa quarterfinals para umabante sa medal round.

Sasagupain naman ni Marcial si Oleksandr Khyzhniak ng Ukraine sa semifinals sa Huwebes ng alas-2:03 ng hapon.

Matinding kompetisyon din ang haharapin ni Obie-na sa finals ng men’s pole vault ngayong alas-6:20 ng gabi sa Japan National Stadium.

Makakasukatan ni Obiena sina world record holder Armand Duplantis ng Sweden at 2016 Rio Games champion Thiago Braz ng Brazil.

“Erase na iyong nangyari sa qualifying. Back to zero, start from scratch,” sabi ni coach Emerson Obie-na sa 2019 Southeast Asian Games gold medalist na lumundag ng 5.75m sa qualifying para makasama ng 11 pang finalist.

NESTHY PETECIO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with