^

PM Sports

Petecio tangka ang semis

Pang-masa
Petecio tangka ang semis
Nesthy Petecio.

TOKYO — May layuning parisan ang naging tagumpay ni Hidilyn Diaz, haharapin ni Nesthy Petecio si Colombian Yeni Marcela Arias Castaneda sa quarterfinals ng 54-57kg division ng boxing competitions sa Tokyo Olympics sa Kokugikan Arena.

Ang panalo ni Petecio, featherweight champion ng 2019 World Boxing Championships, sa alas-10 ng umagang laban (Philippine time) ang sisiguro sa kanya ng bronze medal at mula rito ay dalawang panalo na lang ang kanyang layo sa Olympic gold.

“We will look at the videos of her (Castaneda) fights here,” sabi ng  Australian coach ni Petecio na si Don Abnett. “We know her next opponent will be tough, but we’re very confident.”

Noong Lunes, tinagpas ni Petecio ang malaking harang tungo sa gold medal nang dispatsahin niya ang tournament top seed at world no. 1 na si Lin Yu-Ting ng Chinese Taipei sa pamamagitan ng 3-2 split decision victory.

Bago ito, nagtala si Petecio ng dominanteng 5-0 pananalasa kay Marcelat Sakobi Matshu ng Congo sa kanyang unang salang.

“Gusto kong manalo ng gold para sa Pilipinas pero alam ko na kailangan kong paghirapan ito,” sabi ni Petecio.

Ang isa pang inaasahang mananalo ng gold na si Eumir Felix Marcial ay sasalang na bukas sa round-of-16 laban kay Younes Nemouchi ng Algeria sa 69-76kg division  matapos maka-bye.

Tatangkain din ni Irish Magno ang quarterfinals sa 48-51kg. laban kay Thailander Jutamas Jitpong sa round-of-16 matapos ang 5-0 demolition nito kay Kenyan Christine Ongare.

Sa Sabado pa uli sasalang si Carlo Paalam tangka ang ikalawang sunod na panalo laban kay Algeria Mohamed Flissi para makapasok sa quarterfinals.

Magsisilbing inspirasyon ng mga boxers ang ma-laking tagumpay ni Diaz na naghatid ng kauna-unahang gold para sa Pilipinas sapul nang lumahok ang mga Pinoy sa Olympics noong 1924.

vuukle comment

NESTHY PETECIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with