_pang-masa
^

PM Sports

Creamline malinis pa rin

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mabilis na dinispatsa ng reigning champion Creamline ang PLDT Home Fibr, 25-16, 25-12, 25-13, upang mapanati-ling malinis ang rekord nito kahapon sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Bumanat si team captain Alyssa Valdez ng 16 puntos — lahat galing sa attacks —para buhatin ang Cool Smashers sa ikaapat na sunod na pana-lo at mapatatag ang kapit sa solong pamumuno.

Nagtala naman si Michele Gumabao ng siyam na puntos tampok ang apat na blocks habang umiskor si Jema Galanza ng walong puntos, 13 digs at siyam na receptions.

Maganda rin ang kontribusyon ni middle blocker Celine Domingo na humalili muna sa nabakanteng puwesto ni Jeanette Panaga na nagtamo ng ankle sprain sa kanilang huling laro.

Nananatiling walang panalo ang PLDT sa apat na pagsalang.

CREAMLINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with