_pang-masa
^

Gilas youth o Gilas hybrid

POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - June 25, 2021 - 12:00am

Naniniwala si Gilas legend Jimmy Alapag na mas magiging competitive ang kasalukuyang national team kung sasamahan ng experience at leadership ng ilang seasoned pro players.

Idiniin niya na hindi niya minamaliit ang skills at talent ng kasalukuyang Gilas crew na hinuhubog ni coach Tab Baldwin. Actually, bilib nga siya.

Pero malalim ang kanyang paniniwala na mas tataas ang potensyal ng koponan ni Baldwin kung sasamahan ng ilang beteranong international campaigners lalo na kung haharapin na ang mga heavyweights sa 2023 FIBA World Cup.

Puwedeng tama!

Pero puwede rin sigurong hayaan na munang mag-focus sa kasaluku-yang pool.

Sila na ang isalang sa mga parating na international competitions, at i-review ang kanilang performances papasok ng 2023.

Kung makitang walang improvement, hindi tumaas ang kalibre ng laro at mukhang may mga kakulangan, doon na siguro pag-isipan ang muling pagkatok sa PBA.

Kung hindi mahihinog sina Kai Sotto, eh di  tawagin uli si June Mar Fajardo. Kung kulang ng shooters, eh di i-tap sina RR Pogoy at Marcio Lassiter. Kung kailangan ng steadiness sa guard spots, eh di ibalik si Jayson Castro.

Pero medyo malayo pa ang 2023.

Hayaan na muna sigurong maisalang sa maraming laban sina Sotto at mga kasama  niya upang malinang ang kanilang kakayahan.

 

GILAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with