^

PM Sports

Mag-ala FPJ

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Maski tapos na ang FIBA Asia Cup qualifiers, nanatili ang Gilas Pilipinas sa Clark bubble upang ipagpatuloy ang training para sa paghahanda naman ngayon sa Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade, Serbia.

Sasagupain ng Team Phl ang Serbia sa July 1 at ang Dominican Republic sa July 2 sa Group A samantalang magsasalpukan sa kabilang grupo ang Puerto Rico, Italy at Senegal.

Ang Serbia OQT champion ang tanging koponan na uusad sa Tokyo Games.

So, puwedeng sabihing mission impossible ang OQT journey.

Matatandaang durog ang Gilas sa Italy, 62-108, at gulpi sa Serbia, 67-126.

Pero pabor ako sa pagtanggap ng SBP sa nominasyon na lumaro sa OQT kaharap ang mga heavyweights.

Of course, mayroong kontra.

Sayang ang gastos, bubugbugin lang tayo at mapapahiya ang ating bansa. Ito ang linya ng mga kontra.

Pero para sa akin, rare opportunity ito na makakatulong sa paghubog sa mga young guns na priniprepara para sa 2023 World Cup.

Mag-ala FPJ na sila – magpabugbog muna bago kunin ang tagumpay sa huli.

DATOS: Turning 50 bukas ang kaibigan ng marami sa Valenzuela na si Philip Sabino, isa sa mga kilalang leaders sa industriya ng negosyo sa syudad. Para ring FPJ itong si Philip sa pagtulong sa nangangailangan. Pautang Pareng Philip!!!

vuukle comment

FPJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with