_pang-masa
^

Baldwin itinalagang head coach Sotto kasamang pumasok ng Gilas sa Clark bubble

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - June 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinangunahan ng bagong talagang head coach na si Tab Baldwin at ng Filipino tower sensation na si Kai Sotto ang Gilas Pilipinas na pumasok sa Clark bubble sa Pampanga kahapon para sa huling window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Hunyo 16-20.

Kasama ni Baldwin na pumasok sa Clark bubble ang kanyang coaching staff na sina Jong Uichico, Sandy Arespacochaga at Caloy Garcia at mga players sa pamumuno ng bagong naturalized  na si Ange Kouame kasama sina Dwight Ramos, Isaac Go, Javi Gomez de Liano, Carl Tamayo, Will Navarro, Mike Nieto, Jordan Heading, Jaydee Tungcab Justine Baltazar at iba pa

Nakaabot din sa bubble entry ng Gilas sa Quest Hotel si Sotto matapos makumpleto ang mandatory quarantine protocol nang dumating sa bansa sa simula nitong buwan.

Galing ang Gilas squad sa sariling bubble training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba.

Nasa bubble na rin ang South Korea, ayon kay Bases Conversion and Development Authority (BCDA) president Vince Dizon at Clark Development Corporation (CDC) president Manuel Gaerlan, sa welcome press conference sa Clark kahapon.

Sumailalim agad ang lahat ng pumasok sa bubble sa swab tests bilang bahagi ng mahigpit na protocols.

Inaasahang darating kagabi ang China, Japan at Indonesia. Ngayong araw naman ang Chinese Taipei at bukas inaasahan ang Thailand.

Kasama sa Group A ang Gilas, Korea, Thailand at Indonesia habang ang China, Japan at Chinese Taipei naman sa Group B para sa ikatlong window ng FIBA ACQ.

Sa ilalim ni Baldwin na program director din ng Gilas, hangarin nilang makumpleto ang misyong makapasok sa FIBA Asia Cup sa Agosto sa Indonesia lalo’t isang panalo nalang ang kailangan hawak ang 3-0 baraha sa Group A.

“I am honored to continue working with this outstanding coaching staff as we strive to take these next steps forward in the direction we envision for 2023,” ani Baldwin na itinalaga ng Samahang Basketbol ng Pilipinas bago pumasok sa Clark. “I’m hoping that my international coaching experience and familiarity with our playing systems will be an additional asset to the team in the upcoming challenges the team is facing.”

Ito ang pagbabalik ni Baldwin na  nagmando ng Gilas noong 2016 sa FIBA Olympic Qualifying Tournament, Southeast Asian Games, FIBA Asia Championship at William Jones Cup.

 

GILAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with