^

PM Sports

May basketball clinic si Clarkson

Chris Co - Pang-masa
May basketball clinic si Clarkson
Jordan Clarkson

MANILA, Philippines — Ibabahagi ni NBA star Jordan Clarkson ng Utah Jazz ang malalim nitong karanasan sa mga kabataang nagnanais maging mahusay na basketball player sa susunod na henerasyon.

Isasagawa ito sa pamamagitan ng Junior NBA Philippines Basketball Clinic sa Mayo 29 kung saan may tsansa ang mga bagitong players na masilayan si Clarksons sa virtual basketball clinic.

Makakasama ni Clarkson sa prog-rama si NBA prospect Jalen Green na naglaro kamakailan sa NBA G League kasama ang Ignite.

Ibabahagi nila ang ilang basic basketball skills na kailangang matutunan ng mga kabataang nagsisimula pa lamang sa basketball.

Bibigyan din nina Clarkson at Green ang mga kalahok ng inspirational talk sa naging daan nila para maging mahusay na basketball players.

Isisingit ni Clarkson ang naturang aktibidad sa kabila ng pagiging abala nito sa NBA playoffs kung saan nakuha ng Utah ang top seeding sa Western Conference.

Sa kabilang banda, naghahanda naman si Green para sa NBA Draft sa Hulyo kung saan isa siya sa itinuturing na pinakamainit na applicant sa taong ito at hinuhulaang papasok sa Top 5 picks.

Maliban sa basketball clinic, magkakaroon din ang Junior NBA Philippines ng social media contest para makahanap ng 10 lalaki at 10 babae na lalahok sa Jr. NBA Asia Pacific Camp Online.

Magkakaroon ng tsansa ang mga mapipili na sumama sa isang one-day virtual basketball event para matuto ng advanced basketball instruction/skills at makasalamuha sa online ang ilang NBA at WNBA players.

vuukle comment

JORDAN CLARKSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with