^

PM Sports

Approval na lang ng IATF ang hinihintay para sa mas pinalawig na protocols sa training

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaasahan ng Games and Amusements Board (GAB) na mas magiging klaro na sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga patakaran para sa pagbabalik-ensayo at aktuwal na paglalaro ng mga national at professional athletes.

Naisumite na ng GAB kasama ang Philippine Sports Commission (PSC) sa Department of Health (DOH) ang ‘supplemental’ version ng PSC-GAB-DOH Joint Administrative Order No. 2020-0001.

“Nabuo na po namin with the help of PSC and the DOH iyong supplemental version ng JAO,” sabi ni GAB chairman Abraham ‘Baham’ Mitra. “Pirma na lang po ni Secretary (Francisco) Duque ang kailangan at maipo-forward na po ito sa Inter-Agency Task Force for immediate approval.”

Sinabi ni Mitra na marami ang nalilito ukol sa implementasyon ng JAO pagdating sa ipinapatupad na health and safety protocols ng IATF para sa mga amateur at professional sports.

Nauna nang pinayagan ng IATF ang request ng Philippine Basketball Association (PBA) para sa team practices at scrimmages ng mga koponan sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Ngunit sa bagong GCQ na may heightened restrictions ay ipinagbabawal pa rin ang pagbubukas ng mga indoor gyms.

“Kaya po kami gumawa ng supplemental version para maayos iyong ganitong senaryo. Maging sa bilang ng mga atletang papayagan ay inayos na namin dito,” ani Mitra.

“We’re still implementing strict health and safety protocols. Hindi puwedeng mag-relax. Hangga’t marami pa rin ang walang bakuna at malaking threat pa rin ang hawaan, kailangan nating mag-ingat,” dagdag ng GAB chief.

Hindi pa rin makabalik sa kanilang training centers ang mga national athletes na sasabak sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan at sa Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Kaya naman ilang Local Government Units (LGUs) ang tumulong sa mga National Sports Associations (NSAs) na maipasok ang mga atleta sa bubble training sa kanilang mga lugar.

 

vuukle comment

IATF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with