_pang-masa
^

Jaja Santiago kailangan sa national women’s volley team

Chris Co (Pang-masa) - May 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Iginiit ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) na kailangan ng Pilipinas si Jaja Santiago sa mga international competitions.

Isiniwalat kamakailan ni Santiago na interesado ang Japan na gawin itong local player matapos ang magandang ipinamalas nito sa Japan V.League kasama ang Ageo Medics ngunit hindi ito magiging madali para sa 6-foot-5 middle blocker dahil may pagdaraanan itong proseso bago tuluyang maging naturalized player ng Japan.

Kailangan nitong kumuha ng clearance mula sa volleyball association na kinabibilangan nito-- ang PNVF. Sa oras na pumayag ang PNVF, kailangan pa nitong makuha ang naturalization bago isumite sa FIVB upang pormal na kilalanin bilang opisyal na player ng Japan sa international tournaments.

Kaya naman nakasalalay pa rin sa PNVF kung papayagan ito o hindi. At sa tono ng pananalita ni PNVF president Tats Suzara, malabo itong mangyari. “I think Jaja has a future also in Japan, but again, we need Jaja, of course, here in the Philippines, as a Filipina who really brings our flag and honor as a national team player for the Philippines,” aniya sa progra-mang The Chasedown.

“Pangarap ko na maglaro sa Olympics, pero siyempre may pride pa rin naman ako, Pilipino pa rin naman ako di ba? Gusto kong tulungan ‘yung bansa natin. Gusto ko kasama ko yung mga kapwa Pilipino ko (sa Olympics),” sabi noon ni Santiago. 

JAJA SANTIAGO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with