_pang-masa
^

Sixth Man of the Year

(Pang-masa) - May 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Natapos kahapon ang NBA regular season at kasama ng playoffs na parating ang season awards.

Maraming Pinoy ang nakatuon ang pansin sa Sixth Man of the Year race at umaasang masungkit na ito ni Fil-Am ace Jordan Clarkson.

Itataya ko ang aking mga lupa sa paso na walang talo si Clarkson.

Sa kanyang ika-anim na season, nagtala siya ng career-best averages na 18.2 points at 4.1 rebounds plus 2.5 assists. No. 2 siya sa scoring sa Utah Jazz team sa likod ni Donovan Mitchell kahit lumaralo lang siya ng 26 minutes per game.

Bilang major scoring spark off the bench, malaki ang ambag ni Clarkson sa pangunguna ng Jazz sa team standings sa halos buong season.

Kasama sa impact niya ang pagbuhat sa team sa stretches kapag namamahinga si Mitchell sa bench.

At lalo pang ipinakita ni Clarkson ang kanyang kisig nang tamaan si Mitchell ng injury.

Kalaban ni Clarkson sa karera sina reigning Sixth Man of the Year Montrezl Harrell ng LA Lakers, Utah Jazz teammate Joe Ingles, Philadelphia Sixer Shake Milton at Phoenix Sun Dario Saric.

Pero muli, itataya ko ang aking mga ari-arian – lupain sa paso – na kay Clarkson na ito.

At sana eh hindi masayang ang pinagpaguran ng Jazz sa regular season at masustina ang ratsada sa playoffs.

JORDAN CLARKSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with